Home
Gallery
Events
News
About Us
header
Kami po ang mga estudyante ng Mataas na Paaralang Florentino Torres High School. Isa kami sa pinaka-matatalino, magaganda, guapo, masisipag, makukulit na mga mag-aaral ng batch '93. Dito nahubog ang aming mga talino, abilidad, talento, at higit sa lahat ang aming walang katulad na pagkakaibigan. Salamat sa friendster na nagkita-kita kami, hindi man lahat ng mga kaklase pero napagbuklod nito ang aming pagsasamahan. Ngayon ang iba sa amin ay nakamit na ang mga pinapangarap sa buhay at patuloy na kinakamit, dahil na rin sa mga natutunan namin sa aming mga guro sa Torres, tulad ni Gng. Alfuente.
Nawa sa pamamagitan ng website na ito ay makita pa namin ang iba naming mga kamag-aral na matagal na naming hindi nakikita.